-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Wais Tips Para Planuhin ang Reunion sa Boracay Ngayong Tag-Ulan
March 19, 2021
Bahagi na ng pagiging Pinoy ang pagkahilig sa family reunions. Kahit gustong-gusto nating makasama ang ating mga kapamilya at kabarkada, hindi ito laging madali dahil sa trabaho at iba pang pinag-kakaabalahan. Ilang buwan na nung official announcement ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration na simula na ng tag-ulan sa Pilipinas.
Pero for sure, hindi mapipigilan ng ulan ang kagustuhan niyo na mag-family reunion or barkada reunion lalo na kung meron kayong kapamilya or barkada galing abroad ngayong tag-ulan!
Photo courtesy of Arthur Brognoli via Pexels
Dahil open na ulit ang Boracay at welcome ang lahat kahit tag-ulan pa sa isla, isa ito sa mga ideal places para sa inaasam-asam mong family reunion. Para hindi na mapurnada at maging hanggang drawing lang ang lahat, sagot na namin ang reunion planning ideas and checklist na kailangan mo, suki! Kasi sino ba naman kasi ang may gusto ng last-minute planning ‘di ba?
Ikaw na kusang magplano
Photo courtesy of Priscilla Du Preez via Unsplash
Aminin na natin suki, when it comes to reunion planning, konti lang ang gustong umako ng responsibilty. Pero para maka-gora ang pamilya sa Bora, ikaw na ang mag-sabi na “Ako, ako nalang” ang magpaplano ng reunion.
Abisuhan lahat ng makakasama niyo
Photo courtesy of rawpixel.com via Pexels
What is a reunion kung mag-isa ka lang ‘di ba? Bumuo ng group chat kasama ang family na gogora kasama mo sa Bora para sa inyong ultimate family reunion. Alamin kung kailan ang dating sa Pinas ng inyong kapamilya at barkada from abroad at ang kanilang itinerary para abisuhan sila sa reunion na pinaplano mo sa Bora para knows nila ang schedule.
Mag-set ng schedule
Photo courtesy of Olya Kobruseva via Pexels
Ngayong alam na ng lahat ng involved na may family reunion kayo this rainy season sa Bora, i-schedule ‘tong reunion na ‘to! Alamin kung may nalalapit bang long weekend or holiday; at syempre alamin mo rin kung may papalapit bang bagyo sa Pilipinas at kung maaapektuhan ba ‘nun ang Manila at Boracay. Wala namang may gustong ma-cancel ang reunion due to bad weather conditions.
Magbigay ng higit sa isang option may kinalaman sa magiging schedule ng reunion niyo. Para maging patas sa lahat, gumawa ng poll sa inyong reunion group chat at hayaang bumoto lahat ng nandun kung anong schedule ang bet nila. Ang option na may pinaka-maraming votes, yun na ang sundin niyo; adjust-adjust nalang ung iba.
Mag-research muna ng gagawin
Photo courtesy of Jo Szczepanska via Unsplash
Ngayong may schedule na, it’s time to do some research. Hindi mo naman kailangan ng thorough understanding with regards sa background ng Boracay; pero kailangan mong malaman kung paano kayo pupunta ng Bora—by boat ba or by plane? Magkano ang pamasahe roundtrip? Saan kayo mag-iistay? Kasi, “no booking, no entry” in Bora. Pero para sa kaalaman nating mga mamamayang Pilipino, ang plane tickets at hotel room rates ay mas mababa kapag rainy season compared kapag summer.
Isama mo na rin sa research mo ang mga places to visit and fun reunion activities you must do kapag nasa Bora. Pwede mo na ring itanong sa ibang family members kung anong mga paandar ang gusto niyong gawin para sa inyong reunion; malay mo, gusto rin nila ng pa-Tshirt para talagang maging solid ang pagsasama-sama ng inyong pamilya sa Bora! Syempre, ‘wag kalimutang maging responsableng byahero san man ang destinasyon niyo!
Share-share sa budget
Photo courtesy of Sharon McCutcheon via Unsplash
Suki, kahit ikaw ang punong abala sa pagpa-plano sa reunion na ito, syempre pagdating sa gastos, hati-hati na kayo. After all, that’s what family and friends are for? Madami kang options pagdating sa division ng budget.
Para mabuo ang inyong travel and reunion fund, pwede mong i-divide ang total cost sa bawat taong pupunta sa reunion kung gusto niyong equal ang contribution. Kung meron kayong kapamilyang OFW na hindi makakauwi para sa reunion, tiyak na matutuwa din silang magpadala ng pera para maka-ambag sa inyong family reunion. Maraming international remittance partners abroad sakaling magtaka sila how to send money. At pag dating naman sa how to receive money, hindi ka rin mahihirapang makuha ito sa dami ng Palawan express branches sa Pilipinas! Paalala lang na may bitbit kang isang (1) valid ID, Suki. Mga halimbawa nito ay:
- Driver’s License Professional Regulations Commission (PRC) ID
- Postal ID (New)
- Person with Disability (PWD) ID Card
- Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
- Social Security System (SSS) Card
- Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
- Pag-Ibig Loyalty Card
- Home Development Mutual Fund (HDMF)
- NBI Clearance
- Voter's ID
- Senior Citizen ID
- School ID
- Philhealth Insurance Card
- Company ID
- Barangay ID
- Tax Identification Number (TIN)
Ipaalala sa kanila na mag-remit sa Palawan Express Padala na maraming international remittance partners abroad at hindi ka rin mahihirapang makuha ito sa dami ng Palawan Express branches sa Pilipinas!
‘Wag kalimutan i-document lahat
Photo courtesy of Karol D via Pexels
Reunions are the best way to make memories. Para forever mong mabalikan ang masayang reunion niyo sa Boracay, make sure na prepared ang mga gadgets niyo! Kung hindi sila waterproof, make sure to buy waterproof casings para di masayang ang pictures and videos kung sakaling maisipan ng cellphone o ng tablet mo na magswimming rin sa Boracay. Pwede ding magbaon ng sarili mong waterproof Bluetooth speaker para nasaan man kayo sa Bora, the party never leaves you, suki!
Magpahinga ka din, suki!
Photo courtesy of Artem Beliaikin via Pexels
Hindi biro ang pagbuo ng mga ideya para sa inyong reunion programs; pero suki hindi naman masama kung magpapahinga ka kahit saglit sa dinami-dami ng mga inasikaso mo. Make sure na pag pumunta kayo sa Bora, you still look your best. Makakatulong din ang short breaks para mas makapag-focus ka sa iba pang mga dapat mong asikasuhin sa inyong reunion checklist. Hindi rin naman masamang magpatulong sa iba kaya wag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga kapamilya.
Expect the unexpected
Photo courtesy of Tim Mossholder via Pexels
Kahit gaano pa ka-detalyado ang iyong reunion checklist, minsan talaga mapapaharap ka sa mga di-inaasahang mga hassle sa buhay. ‘Wag ma-imbyerna, suki! Keep your cool. Make sure na nasa isang lalagyan ang mga importanteng dokumento o mga gamit. Kung sakaling may last minute na hindi makakasama, wag ka nang ma-stress, ang mahalaga makakapunta pa rin kayo sa Bora kahit may isa o ilan na ‘di makakasama.
Dahil tag-ulan nanaman, pwede din hindi matuloy ang ilan sa mga pinlano niyong reunion activities sa Bora. Gayunpaman, maghanda ng mga Plan B activities na pwede niyong gawin kahit sa loob ng hotel o accomodation niyo para walang patid ang saya!
Sa sobrang dami ng pwedeng gawin sa Boracay, pwedeng maubos ang cash na nadala mo. Don’t worry, marami namang ATMs sa isla. Pero kung ayaw mong galawin ang savings mo sa bangko at ang kapamilya mong galing abroad ay may extrang dollars o foreign cash, punta na kayo sa Palawan Pawnshop Boracay branch para ipapalit ito sa peso! Mula Agosto hanggang Disyembre 2019, meron kayong instant rebate sa bawat peso amount na papapalitan niyo!
AMOUNT CHANGE IN PHP |
INSTANT REBATES |
1,000 - 5,000 |
3.00 |
5,001 - 15,000 |
6.00 |
15,001 - 30,000 |
9.00 |
30,000 and above |
12.00 |
Halimbawa, kung magpapapalit ka ng equivalent sa Php10,000.00, may instant rebate ka na Php60.00. O diba, suki san ka pa? I-Palawan mo na ‘yan!
Kung gusto mo naman manao sa ng trip to anywhere, ang Palawan Pawnshop ay may Win Travel Promo sa mga buwan ng Agosto hanggang Disyembre 2019 para sa mga tour guide, local residents, o iba pang nagtatrabaho sa Boracay na mag-rerefer sa mga turista na magpapalit ng kanilang foreign currencies sa Palawan Pawnshop sa Boracay.
Kung may mag-refer sa inyo, huwag kalimutang isulat ang kanilang pangalan sa form kapag nagpapalit kayo ng pera. Nagpapalit ka lang ng pera, may rebate ka na, pwede ka pang makatulong sa mga taga-Boracay na madiskubre ang ibang bahagi ng ganda ng Pilipinas!
Nakaka-excite talaga na magbyahe at mag-reunion kasama ang buong pamilya. Ma-trabaho man ang pagpa-plano ng family at barkada reunion, hindi naman matatawaran ang saya kapag nakita mo nang magkakasamang nag-eenjoy kayong lahat!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024