-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
13 Negosyo Ways Para Sa Dagdag Kita Ngayong Pandemic
March 19, 2021
Ikinagulat ng buong mundo ang pag-usbong ng COVID-19. Tila isang disaster movie, biglang kinailangang i-pause ang buhay at ikulong ang sarili sa bahay para maiwasang ma-infect ng virus.
Napakahirap ng buhay sa ilalim ng quarantine dahil ibang-iba ‘to sa nakasanayan. Pero mas mahirap ‘to para sa mga nawalan ng hanapbuhay. Para maibsan ang kakulangan ng kita, puwedeng humanap ng wais ways para kumita ng pera kahit na nasa gitna tayo ng pandemic na ito. Narito ang ilang halimbawa para sa’yo, suki!
Subukang magtayo ng online business
Isa sa wais ways to earn money at home sa gitna ng pandemic ay ang pagtatayo ng online shops. Minimal lang ang physical contact sa online business at mabilis ang pasok ng pera dahil sa accessibility ng Internet.
Pwede kang magtayo ng sarili mong shop sa established e-commerce sites gaya ng Shopee at Lazada o kaya nama’y simpleng magpost sa social media. Sa pamamagitan ng online selling, kikita ka ng malaking pera nang hindi masyadong lumalabas ng bahay!
1. Online preloved selling
Photo courtesy of PhotoMIX Ltd via Pexels
Kung mayroon kang mga hindi na ginagamit na gadgets, damit, o appliance sa bahay, puwede mo ‘tong pagkakitaan sa pamamagitan ng online reselling sites gaya ng Carousell o Facebook Marketplace.
Imbis na itapon o itambak, pagkakitaan ang mga preloved items sa pamamagitan ng paghahanap ng new owner nito sa Internet.
2. Online thrift store
Photo courtesy of Campaign Creators via Unsplash
Kung wala ka namang preloved items, pwede ka ring maghanap sa mga ukay-ukay o thrift shop at ibenta ang mga ito sa’yong sariling online thrift store.
Just make sure na ididisinfect mong maigi ang ‘yong mabibili sa thrift shops dahil importanteng malinis ang mga ibinebenta mo.
3. Online food business
Photo courtesy of Brooke Lark via Unsplash
Para naman sa inner foodie mo, isa sa pinakasikat na small business ideas ang pagtatayo ng online food business.
Pwede kang gumawa ng mga baked treats and pastries o kaya namang mga lutong ulam na swak sa mga handaan.
4. Online reseller
Photo courtesy of Gustavo Fring via Pexels
Isa pang online shop idea ang pagiging reseller. Imbis na sa’yo manggaling ang produkto, maghahanap ka ng supplier at ibebenta mo ang produkto nila sa sarili mong page o account. Kailangan mo lang i-strategize ang pagbili ng bulk items sa mababang presyo para kumita ka nang malaki sa pagebebenta nito.
Kung newbie ka sa online selling, iexpect mo nang magiging stressful ang first few weeks mo. Makakatulong sa pagsisimula mo kung magcanvass ka muna ng pinakamabilis at matipid na courier options. Kailangan mo rin ng mapagkakatiwalaang money remittance services gaya ng Palawan Express Pera Padala para sa madaling pagbabayad ng customers mo. Ang mabilis at accessible na delivery process ay makakatulong sa pag-impress ng mga buyer para maengganyo silang bumili ulit sa shop mo!
Ipakita at i-market ang iyong skills
Kung masyado namang hassle para sa’yo ang pagtatayo ng online business, pwede mo namang pagkakitaan ang ‘yong skills sa mga online raket na’to.
5. Online tutor
Photo courtesy of Brooke Cagle via Unsplash
Swak ang online tutor jobs para sa mga taong may passion para sa pagtuturo. Dahil sa pagsasara ng mga paaralan, in demand ngayon ang online tutors para tulungan ang mga estudyanteng matuto kahit sa pamamagitan ng video calls. Pwede kang maghanap ng students dito sa Pilipinas na kailangan ng tulong, o magbranch out sa foreign students.
6. Freelance writer
Photo courtesy of Thomas Lefebvre via Unsplash
Para naman sa mahilig magsulat, marami ring naghahire ng mga freelance writer. Dahil karamihan ng tao ngayo’y nakababad sa Internet, sinasamantala ‘to ng mga kumpanya para ipromote ang mga produckto’t serbisyo nila. Malawak ang puwede mong laruin na mga topics, gaya ng travel, marketing, at finance.
7. Freelance graphic artist
Photo courtesy of Dose Media via Unsplash
Kung magaling ka naman sa digital art, puwedeng puwede sa’yo ang freelance graphic artist position. Nangangailangan din ang mga brand ng publicity materials para visually ipakilala ang mga produkto nila at humatak ng customers. Kung sisiw sa’yo gumawa ng posters, infographics, videos, at gifs, para sa’yo ang raket na’to!
8. Virtual assistant
Photo courtesy of Marcus Aurelius via Pexels
Isa pa sa wais ways para kumita ng pera sa bahay ay ang pagiging virtual assistant. Kung ikaw ay organized at responsible pagdating sa pagseset ng appointment, pagtitiyak ng schedule at contacts, at pag-e-encode ng data, puwedeng puwede sa’yo ang pagiging virtual assistant.
9. Social media manager
Photo courtesy of Kaboompics.com via Pexels
Kung mahusay ka naman maghandle ng social media, puwede kang mag-apply bilang social media manager ng mga brand. Ang pangunahing responsibilidad mo rito ay mabilis na gumawa ng relevant content para sa social media pages ng mga kumpanya para i-engage ang mga costumer nila.
10. Vlogging
Photo courtesy of CoWomen via Pexels
Kung may goal ka namang maging sikat na vlogger, bakit hindi mo simulan ngayong napakaraming libreng oras para gawin ‘to? Maaari kang kumita ng malaking pera sa pagba-vlog sa pamamagitan ng pag-e-endorse ng mga produkto o serbisyo ng iba’t ibang kumpanya.
11. Delivery services
Photo courtesy off Norma Mortenson via Pexels
Para naman sa maalam magbisikleta o magmotorsiklo, puwede rin kayong mag-apply bilang delivery staff ng iba’t ibang negosyo. Dahil marami sa mga pagbili ngayon ay ipinapadaan sa pagdedeliver para sumailalim sa social distancing. Dahil din dito, maraming opportunity sa delivery services para sa naghahanap ng dagdag pera.
Magandang pagkakitaan ang ‘yong skills bilang solusyon sa kulang na pera sa gitna ng pandemic, suki. Masasayang ang mga ‘to kung hindi mapapakanibangan, lalo na sa dami ng libreng oras na available.
Sa pagkuha ng mga raket na nakapokus sa ‘yong mga kakayahan, mapapayaman mo pa lalo ang ‘yong skills na puwedeng makatulong sa’yo kahit sa pagtapos ng lockdown.
I-maximize ang space sa bahay
Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas nang ipataw ang quarantine sa buong bansa dahil sa bugso ng COVID-19 cases. Tinatayang mananatili ang lockdown hanggang bumaba ang infection rate o kaya nama’y makadevelop ng bakuna. Para sa mga naka-stay at home at naghahanap ng dagdag pera pero ayaw maghanap ng trabaho online, bakit hindi i-maximize ang space ng tahanan?
12. Ad placement
Photo courtesy of Kaboompics.com via Pexels
Kung ang bahay niyo’y nakalagay sa isang strategic na lugar kung saan maraming taong dumadaan, puwede niyong gamitin ang bahagi ng iyong pader o gate sa labas bilang advertisement space. Isa itong madaling solusyon sa kulang na pera dahil ang gagawin mo lang ay buksan ang ‘yong tahanan para sa mga prospective advertiser. Wala kang ibang gagawin—relaks, diba suki?
13. Sari-sari store
Photo courtesy of Skitterphoto via Pexels
Isa pa sa sure wais ways para kumita ng pera sa bahay ay ang pagtatayo ng sari-sari store. Kung papayagan ng local government, magandang samantalahin ang espasyo sa bahay para magbenta ng karaniwang kinakailangan sa inyong lugar.
Napakaraming oportunidad para kumita ng pera sa bahay kahit sa gitna ng isang pandemic. Pwede kang magtayo ng sariling business, magmaximize ng personal skills, o kaya nama’y mag-invest sa ibang venture.
Pero dahil marami ang naghahanap din ng trabaho ngayon, asahang hindi magiging madali makakuha ng hanapbuhay o dagdag kita agad-agad. ‘Wag mawalan ng pag-asa, suki! Importante ang tatag ng loob sa ganitong krisis.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024