Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
May mas maganda pa ba kaysa sa transaksyon na walang hassle? Aba, meron siyempre. Transaksyon na wala nang hassle, may kasama pang libreng bakasyon sa isa sa mga pinakasikat na tourist destinations sa bansa.
Ganyan ang Walang Kuskos Balungos Raffle Promo ng Palawan Pawnshop kamakailan. Imagine, basta marunong ka lang mag-selfie at mag-Facebook, pwede ka nang sumali. Walay hasul, diba?
Pero besh, tapos na ang online promo nito noong August 16. Pero don’t you worry dahil for sure marami pang kasunod. In the meantime, praktis praktis ka muna nang pagkuha ng selfie after mo matapos sa walang kuskos-balungos na transaksyon gaya ng Palawan Express Pera Padala.
So sino ang may winning selfie? ‘Yan ang suki na si… Jayson Gumpad Garrido! At ano naman ang premyo niya? Well, bukod sa trending ang selfie niya, meron pa siyang all-expenses paid trip to… saan pa nga ba? Sa tinaguriang last frontier ng Pilipinas, ang napakagandang Palawan. At eto pa ha, hindi syempre pwede na all by myself ang drama ng ating winner. Dahil si suki Jayson, pwedeng magbitbit ng plus one niya sa bakasyon. Winner, ‘di ba?
Pero teka, throwback muna tayo para ma-inspire naman kayo na sumali sa susunod na may promo or contest. Paano nga ba nanalo si suki Jayson? Ano ang pinagdaanan niya? Super easy lang mga suki!
Walay Hasul na Mechanics
Ganito ang nangyari mga beshies. Ang mga suki ay kinailangan na mag-selfie sa labas ng kahit anong Palawan Pawnshop branches. Pagkatapos, kailangan lang i-upload ang selfie kasama ng ilang detalye ng suki sa Facebook application ng Palawan Pawnshop. Maglagay lang ng caption at gamitin ang #WalangKuskosBalungosSaPalawan hashtag, okay ka na. O ‘di ba, para ka lang nag-post ng OOTD (Outfit of the Day) mo na may philosophical and inspiring quote!
For more chances of winning, dapat kuntsabahin mo rin ang mga BFF mo na i-share at iboto ang entry mo. Walay hasul din ang pagboto dahil sa Facebook application lang din ito gagawin. The entry with the most number of votes and shares wins! O, simple lang ‘di ba?
Panalong-Panalo Na Trip Ni Suki
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
Limang araw, as in five straight days of fun and adventure, na nag-iikot sa mga tourist destinations ng Palawan ang ating winning suki. Starting noong October 1, si suki Jayson at ang kanyang plus one na si Norlito Baclayen ay lilibot sa Puerto Princesa City na may side trip pa sa El Nido. Siyempre pa, libre ang lahat mula sa accommodation, pagkain, transportation, tour guide, at kung anu-ano pa. Ang galing, no? Aakalain mo ba na ‘di lang “likes” ang nahakot ng selfie mo, kundi nakabingwit ka pa ng once in a lifetime free bakasyon sa Palawan? Ganyan ka-galante ang Palawan Pawnshop sa mga suki nila.
Ultimate Palawan Adventure
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
Isa ang Palawan sa mga the best travel destinations sa bansa dahil sa ganda at dami ng pwedeng puntahan ang i-experience dito. Bukod sa Puerto Princesa, nand’yan din ang mga world-famous beaches, lakes, and lagoon sa Coron at El Nido. Idagdag mo pa d’yan ang sumisikat na rin na longest white beach sa San Vicente. Kaya naman ang trip to Palawan, talagang trip to paradise.
Paradise --- ayan mismo ang nararanasan ngayon ng ating promo winner at kanyang chosen companion. Para mas ma-inspire kayo, silipin natin ang itinerary ni suki Jayson.
Paglapag pa lang sa Puerto Princesa, mamamangha na agad for sure ang mga lucky suki dahil ang unang activity ay ang very relaxing at breathtaking na firefly watching. Ginagawa ito sa Iwahig na around 30-45 minutes away from Puerto Princesa. Bago lumubog ang araw, dapat naka-biyahe ka na para pagkagat ng dilim, ready ka na mamangha sa mga kumukutitap na fireflies. Sakay ng bangka, pupunta kayo sa lugar ng mga fireflies sa mangroves area, at sa loob ng halos isang oras, pagmamasdan lang ang napakagandang milagro ng kalikasan.
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
Sa Day 2, isa namang certified wonder of the world ang destinasyon ni suki Jayson. Iyan ay ang Puerto Princesa Underground River na isang subterranean river national park. May haba ito na walong kilometro na umaagos sa ilalim ng St. Paul Mountain Range. Ang highlight ay ang pagsilip sa mga kweba kung saan featured ang isang complex ecosystem ng mga hayop na pwede mong makita.
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
Para sa Day 3, El Nido naman ang bida. Isa na siguro ang El Nido sa mga pinakamagandang lugar para sa island hopping dahil sa dami ng magagandang isla at beach dito. In fact, may apat na island hopping tour classifications: lagoon, cave, shrine, at beach. Ilan sa mga popular stops ang 7 Commandos Beach, Secret Lagoon, Small and Big Lagoon, Shimizu island, Cadlao Lagoon, Bukal Beach, Ipil Beach, Paradise Beach, Snake Island, Talisay Beach, Helicopter Island, at kung anu-ano pa. Siguradong solb dito ang Walang Kuskos-balungos raffle promo winner sa dami ng makikita.
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
Pagbalik para sa Day 4, magkakaroon naman ng Puerto Princesa city tour. Kasama sa highlights ang Yamang Bukid, Crocodile Farm, at Baker’s Hill. Siyempre pa, may courtesy call sa head office ng Palawan Pawnshop. Dito kasi nagsimula ang Palawan Pawnshop tatlong dekada na ang nakakaraan.
Photo Courtesy of Jayson Gumpad Garrido via Facebook
And finally, last hurrah for Day 5. Kung ending the tour on a high note ang iniisip niyo, korek kayo d’yan. What better way to wrap it up than island hopping in Honda Bay? Isa sa mga highlights niya ang Starfish Island kung saan napakarami ngang starfish. Nandyan din ang Lu-Li island kung saan pwede ang snorkeling at cliff diving. Nand’yan din ang Cowrie island na famous stop ng mga turista dahil dito pwedneg kumain at mayroon ding water activities.
Kung ‘di pa naman mag-enjoy ang winning suki niyan, ‘di ba? For sure, mapaparami ang selfie ni suki Jayson at for sure din, trending sa mga BFF niya ang mga snapshots ng kanyang Palawan adventure. Winner na winner talaga!