15 Ways Para Magabayan Ang Mga Chikiting Sa Exams

Blog

March 19, 2021

15 Ways Para Magabayan Ang Mga Chikiting Sa Exams

“Education is the greatest investment parents can give to children.” Tama ba, suki? Pero alam natin na hindi pa rin nagbabago ang katotohan at kahalagahan nito. Bilang working mom na sinusubukang balansehin ang career at mommy duties, kailangan talagang maging wais sa pagtutok sa mga chikiting lalo kapag exam week na sa school. 

Kaya para sa mga working moms, ‘wag ka mag-alala dahil maaari mong sundin ang mga study tips na ito para sa’yo ng iyong bagets. Mapa-quiz, exam, o recitation pa yan, ang 15 basic study tips na ito’y siguradong makatutulong para makakuha sila ng mataas na grades!

1. Gumawa ng study timetable at sundin nang maigi

paper-3141341_1280Photo Courtesy of Rawpixel via Pixabay

Bilang full-time working mom, paglaanan ng oras ang pinakamalaking hamon sa pag-aalaga ng iyong anak. Madalas kung ‘di minsan, darating ka sa bahay na hapong-hapo na kaya di mo na matulungan ang iyong anak sa pagre-review.

Kung hirap ka sa time management, makatutulong nang bongga ang paggawa ng isang study timetable. Mahalaga rito na alamin at isaalang-alang kung ilang araw ang nakalaan para sa review days bago ang kanyang exam. 

‘Wag pilitin ang mga chikiting na mag-aral kung pareho kayong pagod dahil baka pareho lang kayong makatulog. Magiging mas produktibo kung maglalaan ka muna ng kahit dalawang oras na pahinga bago kayo mag-review. Isang pag-aaral sa Boston ang nagpatunay na mas epektibo mag-aral dalawang oras bago matulog ang iyong mga anak. 

2. Pakainin sila ng Memory Enhancing na pagkain

vegetables-790022_1280Photo Courtesy of Jill Wellington via Pixabay

Mahalagang study tip para sa mga mommy  ay ang maghanda ng lunch o baon na nakatutulong sa paghasa ng memory power nila sa school. Ayon sa Harvard Health, ilan sa mga pinakamabisang pampatalas ng memorya ay ang mga pagkain tulad ng isda, walnuts, kangkong, pechay, at iba’t ibang berries tulad ng stawberry at blueberry. Bigyan ang mga chikiting ng mga healthy food na ito para ma-boost sila sa pag-aaral.

3. Alamin kung ano ang best learning style ng iyong anak

kids-1093758_1280Photo Courtesy of Klimkin via Pixabay 

Lahat ng tao ang iba-iba, kahit na sa paraan ng pagtuto. Ayon sa Oxford ELT Journal, ito ang tinatawag nilang “learning style.” Tumutukoy iyo sa pinakamabisang paraan kung paano natututo ng bagong bagay at konsepto ang isang indibidwal. Mahalagang tukuyin kung ano ang learning style ng iyong anak para mas madali siyang matuto at maka-keep up sa school. Maaari siyang Visual, Auditory, Reading, o Kinesthetic Learner. 

Mabilis natututo ang mga visual learners kung may mga diagrams at gabay silang nakikita habang nag-aaral; tumatatak naman agad sa isipan ng auditory learners ang iba’t ibang konsepto kung maipaliliwanag nang masinsinan ang mga ito habang sila ay kinakusap. Samantala, pinaka-independent naman ang Reading Learners dahil kailangan lang nila ng tahimik na espasyo kung saan mababasa nila ang mga nakatakdang aralin; taliwas ito sa mga kinesthetic learners na mas inclined sa mga sports kung kaya’t kailangan haluan ng konting activities o exercise ang review time para ma-activate ang kanilang isipan.  

Maraming online personality test na puwede mo pasagutan para matukoy kung anong uri na learner ang iyong anak. 

4. Iayon ang Review Techniques sa Kanilang Learning Style

flashcards-1591812_1280Photo Courtesy of AnnasPhotography via Pixabay

Kapag natukoy na ang learning style ng iyong anak, puwede ka nang gumawa ng paraan para maging enjoyable ang reviewing experience ng iyong bagets. 

Para sa mga Visual Learners, malaking tulong ang paggawa ng flashcards nang maging masaya sila habang sumasagot ng Math problems. Isulat ang Math equation sa isang panig ng flash card, at ilagay naman ang sagot sa kabila. Maging extra active at hikayatin siya sumagot gamit ang timer. Puwede ka rin gumamit ng mga positive reinforcement kagaya ng pagbibigay sa kaniya ng mga treats kung makakasagot siya nang limang magkakasunod na tama. 

Para naman sa Reading at Writing Learners, puwede kang gumawa ng mock exam na sasagutan nila dahil kailangan nilang maisulat ang isang bagay para mas matandaan nila. Kailangan kasi nila maisulat ang mga konsepto nang makintal sa isip nila ang mga ito.

Sa dami din ng learning style, marami rin learning techniques para maayon sa mabilisang pagtuto ng iyong chikiting. 

5. Maglaan ng maayos na study area sa bahay

still-life-851328_1280Photo Courtesy of Mozlase_9images via Pixabay

Working moms are the best in balancing their careers and family duties. Pero aminin suki, minsan dumarating talaga ang time na nakakaligtaan mo nang siguraduhin kung nag-aaral ba talaga ang iyong anak lalo na kapag mabilis siyang ma-distract.

Maigsi ang attention span ng mga bagets ngayon kaya kailangan limitahan ang mga distraction sa kanila tulad ng cellphone at T.V. Makaka-focus nang mas maigi ang mga bata kung mayroon silang sariling tahimik at personal na study area na malayo sa mga ito. 

6. Gumamit ng no distraction apps sa gadgets ng iyong anak

william-hook-9e9PD9blAto-unsplashPhoto Courtesy of William Cook via Unsplash 

Hindi na nakagugulat na ang mga chikiting ngayon ay may kani-kaniya nang smartphone o laptop para sa kanilang pag-aaral. Pero tandaan, kahit marami itong naitutulong sa kanila, isa na naman itong dagdag na distraction sa kanilang pag-aaral.

Isa sa mga best study tips ngayong ay ang pagdownload ng Cold Turkey apps sa mga cellphone nila. Idyomang nangangahulugang pagtigil sa masamang bisyo ang ‘cold turkey’ sa Ingles. Sa ganitong gana, pinipigilan ng Cold Turkey app ang iyong anak na gamitin ang mga apps tulad ng Facebook at Games na kinahuhumalingan nila. 

Maganda ito dahil maaari kang mamili kung anu-anong apps ang gusto mo i-block, at kung gaano katagal nila hindi pwede ito gamitin. Automatic na magiging accessible ulit ang mga apps matapos ang oras na itinakda mo.

7. Maglaan ng Isang Subject Bawat Araw

nicole-honeywill-BfriYg0iOCs-unsplashPhoto Courtesy of Nicole Honeywill via Unsplash

Kung sabay-sabay kukunin ni bagets ang subjects niya, tukuyin kung alin sa mga ito siya pinakahirap. Unahing aralin ang mga subjects na mahirap at ihuli na ang mga madadali. 

Isang epektibong tip sa pag-aaral ng iyong anak ay ang pagbibigay ng pokus sa isang subject sa isang araw. Mathematics sa Lunes, Science sa Martes, English sa Miyerkules. 

Hirap ang mga bata isiksik lahat ng impormasyon nang agaran sa kanilang murang edad. Iwasan ang information overload. Baka bata pa lang,magkaranas sila ng burn-out. Iwasan na matulad sila sa kanilang magulang. 

8. Siguraduhing maalala nila ang aralin

biology-220005_1280Photo Courtesy of PublicMainPictures via Pixabay

Balewala ang inaral ng mga bata kung makakalimutan lang din naman nila ito pagktapos ng exam. Tandaan na ‘di nangangahulugan na natuto sila por que matataas ang scores nila. 

Talamak ito sa mga uri ng subject na madalas puro memorization lang. Halimbawa, maaari nilang kabisaduhin ang mga salik  na bumubuo sa food chain tulad ng autotrophs at heterotrophs sa Science. Pero ibang kaso kung alam nila ang gampanin ng mga ito sa nasabing sistema.

Upang maiwasan ito, siguraduhin na naiintindihan ng iyong anak ang mga konseptong inaaral niya. Para masigurado kung talagang alam nila ang isang konsepto, hikayatin sila na ipaliwanag ito gamit ang sarili nilang salita. Senyales ito ng maayos ang pagkatuto. 

Epektib rin ito sa mga subjects tulad ng Mathematics.  Pinapatunayan ng kakayahan nilang ipaliwanag ang kanilang solution na alam nila kung paano nakuha ang sagot sa isang mathematical problem.

9. Gumawa ng strategy sa pag-aaral ng vocabulary words

dictionary-390055_1280Photo Courtesy of PDPics via Pixabay

Kung kasama ang pagkakabisado ng mga vocabulary words at talasalitaan sa kanilang exam sa English at Filipino, maaari gumawa ng flashcards. Pero kung walang oras para rito, hikayatin sila na gamitin ang salita sa isang pangungusap. 

Makatutulong kung tulungan silang hanapin ang mga salita sa isang dictionary. Hamunin sila na maglista ng limang kasingkahulugan na salita na pamilyar sa kanila na itatambal nila sa salita sa talasalitaan. Mas matatandaan nila ang mga ito dahil kaya nila itong iugnay sa mga salitang alam na nila.

10. Bigyan ng madaling paraan para mag-memorize

robina-weermeijer-so1L3jsdD3Y-unsplashPhoto Courtesy of Robina Wermeijer via Pixabay

May mga subjects talaga na hindi maiiwasang magkabisa. Nangunguna dito ang Hekasi at Araling Panlipunan. Upang maiwasan na malito ang iyong mga anak, hatiin ang mga dapat nila tandaan sa mga maliit na grupo. Halimbawa, maaari nilang alamin muna ang mga naging pangulo ng Pilipinas noong Commonwealth period, tapos ang susunod naman ay mga pangulong kabilang sa Post-War. Huwag silang gulatin sa dami ng items.

Makatutulong din ang paggawa ng mnemonic devices nang magkaroon sila ng gabay sa pagkakabisa. Halimbawa ng mnemonic device ang PEMDAS na palatanadaan sa mathematical principle na Parenthesis, Exponent, Multiplication, Division, Addition, Subtraction.  May online mnemonic generator na maaari mo gamitin para ‘di ka mahirapan mag-isip ng mnemonic code.

11. Gawing learning opportunity ang pang-araw-araw na gawain

supermarket-949913_1280Photo Courtesy of ElasticComputeFarm via Pixabay

Kailangan maging strategic ng mga modern working moms para tulungan ang chikting nila ma-apply sa real world ang natututuhan nila sa school. Makatutulong sa mga bata na pahalagahan ang natututuhan nila kung alam nila gamitin ang alam nila sa pang-araw-araw na buhay.

Para mahasa ang pagiging multimodal mag-isip ng mga anak, maaaring gawing learning opportunity ang simpleng chores. Halimbawa, puwede silang bigyan ng 200 pesos tuwing ikaw nasa grocery ka.  Samahan sila at i-challenge na pagkasyahin ito para sa pagkain nila sa school sa tatlong araw. Sa pamamagitan nito, naiintidihan nila na mahalaga ang simpleng mga arithmetic. Magandang halimbawa rin ito para turuan ang iyong chikiting na magtipid. 

12. Maghanap ng  Educational Apps at Videos

social-media-1377251_1280Photo Courtesy of Geralt via Pixabay

Naglipana ang napakaraming applications at educational materials sa internet. Maging wais at i-maximize ang iyong internet subscription. Masisigurado ng mga apps na ito na maging masaya ang reviewing experience ng iyong anak. Maaari mo ito parisan ng Cold Turkey apps nang masigurado mo na hindi magagamit ng iyong anak ang ibang apps na makakadistract sa kaniya.

13. Matuto kasabay ang iyong anak

ben-white-EMZxDosijJ4-unsplashPhoto Courtesy of Ben White via Pixabay

Bago turuan ang anak sa kaniyang exam, kailangan maging sigurado rin ang mga mommies na tama ang itinuturo nila. Maging willing na matuto kasabay ang iyong anak at ipakita na nag-eenjoy ka habang ginagawa ito. Siguradong mahihikayat sila na sabayan ka sa pagrereview kung magkasama kayong matututo. 

14. Maging connected sa guro ng bagets

teacher-1280966_1280Photo Courtesy of JerryKimbrell10 via Pixabay

Makatutulong din kung may contact sa kaniyang mga teacher sakaling may notes siya sa kuwaderno na hindi malinaw ang pagkakasulat. Kung ‘di siya sigurado sa scope ng kaniyang exam, ready ka magtanong nang magalang para masiguradong covered niyo lahat ng takdang-aralin. 

15. Huwag i-pressure ang mga chikiting

boy-330582_1280Photo Courtesy of Akshayapatra via Pixabay

Hindi life or death moment ang exam ng iyong anak. Mas magiging matagumpay siya kung willing siya matuto ng mga bagong bagay imbis na nagsisikap lang siya para makakuha ng mataas na grades. I-assure ang mga chikiting na okay lang na magkamali basta ginawa nila ang best nila. 

Ang pagiging full-time career woman at full-time mommy ay dalawang demanding pero fruitful na trabaho. Sa tulong ng mga tips na ito, mayroon ka nang guide kung paano maging wais at sulit ang review time na igugol mo sa iyong mga chikiting. Always keep in mind lang na gawin itong bonding moment para sa inyong dalawa nang sa gayon ay sabay kayong natututo at nag-eenjoy.

Share: