8 Weekend Family Activities Na Swak Sa Budget

Blog

March 19, 2021

magazine-25776891280

Isa sa pinakamainam na paraan upang makaiwas ang ating mga anak sa masamang landas ay ang panatiliing matatag ang samahan ng bawat isa sa ating pamilya. Paano nga ba natin magagawa ‘to? Bukod sa pagkakaroon ng maayos na komunikasyon, pagtutulungan, pagrespeto, at pagsuporta sa bawat isa, maaari din nating gawing tradisyon sa ating pamilya ang magkaroon ng fun family activities tuwing weekends. Dito ay mas lalo nating magagabayan ang paglaki ng ating mga anak, mas magiging matatag ang samahan ng bawat isa, at tiyak na mage-enjoy pa ang mga bata.

Wala ka ba’ng maisip na masayang activities to do with your family this weekend? Buti na lang at andito ang Palawan Pawnshop upang bigyan kayo ng ilang rekomendasyon na maari niyong gawin ngayong darating na weekend.

Piknik-piknik sa Park

picnic in the parkPhoto Courtesy of Bruna Saito via Pexels

 

Isa ito sa mga magandang gawing tradisyon sa inyong pamilya—ang mag-piknik sa pinakamalapit na park tuwing Sabado o Linggo. Libre lang ito! Ang kailangan niyo lang ay magdala ng inyong kakainin na maaari niyong i-handa na sa bahay, magdala ng malaking banig na pwede niyong ilatag, at doon na kayo mananghalian sa parke. At kahit saan pa man kayo nakatira sa Metro Manila ay marami kayong mapagpipiliang park na maaari niyong puntahan tulad ng : Rizal Park, Paco Park, Fort Santiago, Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, La Mesa Eco Park, Marikina River Park, at marami pang iba.

Pagkatapos mananghalian ay maari nang makapaglaro ang mga bata sa playground o tumakbo sa malawak na liwasan. Pwede ding kayong makipaglaro sa inyong mga anak ng badminton, volleyball, at kung anu-ano pang activities na pwedeng ma-enjoy hindi lang ng inyong mga anak, kundi kayo mismo.

Biking-Biking Din ‘Pag May Time

bikingPhoto Courtesy of Lgh_9 via Pexels

 

Ang pagba-bike ay hindi lang masaya kundi mabuti din ito sa ating kalusugan. Kaya’t habang sila’y mga bata pa ay mabuting nang turuan na natin ang ating mga bata na mag-bike. Maganda din itong halimbawa ng family bonding kung buong pamilya ay nagba-nike nang sabay-sabay. Hindi niyo din kailangan pang lumayo sapagka’t pwede kayong mag-bike pa-ikot sa inyong mga baranggay o ‘di kaya naman ay sa mga pinakamalapit na park.

Lutu-lutuan sa Bahay

home cookingPhoto Courtesy of Daria Obymaha via Pexels

 

Kung ang hilig niyong mag-asawa ay magluto at kumain, bakit hindi niyo isama ang inyong mga chikiting sa pagluluto sa bahay. Hindi lamang ito isang magandang halimbawa ng fun things to do with family at home kundi isa din itong magandang paraan upang maturuan natin ang ating mga anak sa mga gawaing bahay, tulad ng pagluluto at pagligpit ng pinaglutuan at pinagkainan. At syempre pa, dito rin natin natin maipapakita sa kanila ang kahalagahan ng team work.

Garage Sale

garage salePhoto Courtesy of StockSnap via Pexels

 

Marami ba kayong kagamitan sa bahay tulad ng mga lumang damit, lumang libro, o kasangkapan sa kusina na hindi niyo na nagagamit o madalang niyo nang gamitin? Aba’y pwede niyo itong pagkakitaan sa pamamagitan ng garage sale. Hindi lamang ito extra income kundi siguradong magiging masaya din ito sa buong pamilya. Maari niyo ring gamitin ang nalikom niyong pera para sa iba pang fun family activities tulad ng pagkain sa labas o panonood ng sine kasama ang buong pamilya.

Camping sa Bakuran

campingPhoto Courtesy of Jass Sama via Pexels

 

Hindi mapagkakaila na masaya at exciting para sa mga bata ang ma-experience ang camping. Pero kung wala kayong panahon o extra money para dalhin ang mga bata sa mga camping sites, aba’y pwede niyo naman itong gawin sa inyong mga bakuran. Kailangan niyo lang ng mga tent, mag-sindi ng campfire, mga marshmallows at hotdog na tinuhog sa stick at siguradong magiging memorable na ito sa inyong mga chikiting.

Swimming sa Bakuran

swimming in the backyardPhoto Courtesy of seatiger via Pexels

 

Alam naman nating lahat na isa sa mga pinaka-enjoy na activities para sa mga bata (at mga magulang, siyempre!) ang pagsu-swimming. Katulad ng pagka-camping, maaari din niyo itong ma-enjoy sa inyong bakuran. Mag-invest lang sa kiddie o inflatable pool at maari nang magtampisaw sa tubig ang inyong mga chikiting tuwing weekends nang hindi na kailangan pang gumastos ng malaki at mamahalin na mga resorts.

Movie Marathon Sa Bahay

home movie marathonPhoto Courtesy of freestocks.org via Pexels

 

DVD, mag-download mula sa Internet, o kahit sa Netflix — kahit saan niyo pa man gustong manood ng pelikula, siguradong magiging masaya ang activity na ’to basta’t magkasama ang buong pamilya manood. Huwag kalilimutan ang popcorn, chips, at iba pang snacks para mas lalong maging masaya ang movie night experience with the whole fam!

Board Game Night

monopoly game nightPhoto Courtesy of ErikaWittlieb via Pexels

 

Bukod sa movie night, maaari niyo ring gawing family tradition ang paglalaro ng board games tulad ng Monopoly, Scrabble, atbp. tuwing weekends. Hindi lamang ito masaya at matipid, maganda rin itong paraan para mahasa ang kaalaman ng ating mga anak.

Sa panahon ngayon, importante ang family bonding, kahit man lang tuwing sabado’t linggo, kung ikaw ay palaging busy sa trabaho, para lalong mapatibay ang relationship ng bawat isa. Hindi naman kailangan maging ma-garbo ang mga gagawin. Ang kailangan lang ay mabigyan natin ang ating mga anak na sapat na oras. Marami din namang mga budget-friendly family activities, katulad ng mga nabanggit dito, na maaari niyong pagkaabalahan ng iyong pamilya nang hindi kailangan pang gumastos ng malaki.

Share: