We believe that our Filipino Kasambahays are the modern heroes of our time. They take the responsibility of simple household work so that we may take care of our bigger tasks. They make our lives easier so that we can spend our time to be better.
We believe in advocating their efforts in espousing Filipino values through their work – dedication to service, loyalty, trustworthiness – among others. This is what the Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards is all about, a recognition and awards program dedicated to honoring the Filipino household service workers or “Kasambahays.”
The Award Search will choose ten (10) Kasambahay awardees this year to receive an award of Php 100,000.00 cash, a trophy, and a plaque of recognition for their present employers.
MGA KWALIPIKASYON
- Hindi kukulang sa pitong (7) taon ang paninilbihan sa kasalukuyang amo.
- Hindi hihigit ng 75-taong-gulang ang edad hanggang sa huling araw ng pagsusumite
- May kakayahan pang magtrabaho
- Walang rekord ng krimen o ano mang paglabag sa batas.
- Kasalukuyan pang namamasukan sa kanyang amo
KINAKAILANGAN
- Lagda ng taong lumahok at ng kanyang amo sa opisyal na nomination form. Ito ay para lang sa manual submission.
- Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa opisyal na nomination form (physical or online form). Maaaring gumawa ng video para sa online submission na hindi lalagpas ng 3 minuto bawat tanong.
- Paano mo itinaguyod ang pagsulong ng pagpapahalaga sa mga mabubuting asal ng Pilipino?
- Isalaysay and iyong relasyon sa iyong amo o mga amo.
- Kwento ng iyong buhay.
- Katibayan ng serbisyo mula sa amo.
- Kapag manual submission, kailangang lagdaan ng amo ang bahagi ng Certificate of Employment ng nomination form.
- Kapag Online Submission, isang maikling video mula sa amo kung saan nakasaad at nagpapatunay na ikaw ay kasalukuyang naninilbihan, at dahilan kung bakit ikaw ay sinuportahan sa paglahok nitong parangal.
- Government ID ng amo, kung ikaw ay mapalad na napili.
- Katunayan na ikaw ay nanilbihan sa iyong amo ng pitong-taon o higit pa.
- Kung isa ka sa mga mapalad na napili, kailangang magsumite ng NBI clearance.
PAMANTAYAN
- Sipag at malasakit sa amo at kasamahan sa trabaho - 50%
- Paano ka nakakatulong o nakakaambag sa buhay ng iyong amo o mga kasama mo sa iyong trabaho?
- Ano ang mga kabuluhan o halaga (values) na ipinamalas ng kalahok sa kaniyang trabaho?
- Magandang naidulot ng pamamasukan bilang kasambahay – 30%
- Paano nakatulong sa buhay ng kalahok ng kaniyang pamamasukan bilang kasambahay? At ano ang mga magandang naidulot sa kanyang pamilya.
- Ipaliwanag kung bakit karapat-dapat kang parangalan bilang kasambahay
- Malinaw at kumpleto ang mga ipapadalang dokumento gaya ng mga larawan, katibayan ng pamamasukan, mga patunay sa inilahad na kwento ng paglilingkod, atbp.– 20%
I-nominate na ang inyong Kasambahay!
Download the form Nominate Now