Oh my gosh, Suki, napakaraming fake ang naglipana sa lipunan natin ngayon—fake friends, fake lovers, fake news, even fake gold sa world market!
No wonder may mga ilan sa ngayon na kahit gustong-gustong mag-shopping ng gold para sa iba't-ibang okasyon eh, nagdadalawang-isip. At ang iba naman, nagugulat na lang dahil ang inaakala nilang item na pwedeng isangla sa pawnshop ay fake gold jewelry pala. Ito ang madalas na sinasabing “ginto na, naging bato pa.”
Meron ka bang gold chains o gold jewelry na gustong isangla o bilhin sa pawnshop? Bago mo sagutin ‘yan, isipin mo muna ito: anong bagay ang pwedeng isangla sa pawnshop? Syempre, mga legit na gintong alahas. Kaya bago ka pumunta sa Palawan Pawnshop, magandang malaman mo muna ang ilang check fake gold tests para hindi ka madaya at makuha mo ang best value para sa gold at pera mo.
1. Vinegar Test
Ang puting suka ay nagtataglay ng acetic acid. Ang acid na ito ay nag-re-react sa ibang metal maliban sa ginto. Pwedeng pwede mo itong gawin sa bahay gamit ang mga kasangkapang nasa kusina.
Paano ito gawin? Kumuha ng puting suka at ilagay ito sa isang bowl. Ibabad dito ang gold jewelry sa loob ng 15 minuto pagkatapos ay banlawan itong mabuti sa tubig. Kapag nagkaroon ng discoloration, ibig sabihin, fake gold ito. Kung wala namang nagbago, congrats Suki, legit na gold jewelry ang meron ka.
2. Discoloration Test
Ang tunay na ginto ay hindi nag-a-undergo ng discoloration kaya naman talagang special ito.
Paano ito gawin? Kung curious ka kung ang gold chain mo ay legit o hindi, tingnan ang mga bahagi nito na kadalasan nang naisasangga sa mga surfaces. Tingnan din ang sulok-sulok ng alahas. Kung may nakitang discoloration, ibig sabihin, fake gold chain ito.
3. Stamp Test
Ang karamihan ng mga legit gold jewelry at gold chains ay mayroong stamp o hallmark. Ito ay maliliit na engraved information na isinasaad ang purity o karat ng alahas pati ang manufacturer nito.
Paano ito gawin? Dahil medyo maliit ang engraved stamps sa mga alahas, gumamit ng magnifying glass o jeweler’s loupe para madaling makita ang stamp. Ito ang ilang stamps na nagpapakitang HINDI fake gold ang alahas mo:
- 24K o 999 - 24 karat gold o 99.9% gold
- 21K o 875 - 21 karat gold o 87.5% gold
- 18K o 750 - 18 karat gold o 75.0% gold
Tandaan, ang stamp test ay isa lang sa mga paraan para malaman kung totoo ba ang gold na meron ka. Dahil naglipana ang mga fake ngayon, may ilang fake gold necklace at fake gold chains din na nagtataglay ng stamps. Para makatiyak na hindi fake ang gold mo, subukan mo rin ang ibang mga tests dito.
4. Magnet Test
Hindi tulad ng ibang metal, hindi na-a-attach ang gold sa magnet kaya naman, ang isa safest way para malaman kung fake o hindi ang gold mo ay ang magnet test. Pero para maging effective ang test na ito, gumamit ng heavy-duty magnet na nabibili sa mga home depot sa halip na gamitin ang mga ref magnet collections mo, Suki.
Paano ito gawin? Ilapit ang magnet sa iyong alahas. Kapag dumikit ito, ibig sabihin, fake gold chain ang meron ka. Tandaan lang na may ilang bahagi ng alahas ang gawa sa metal tulad ng clasp nito kaya kapag isinasagawa ang magnet test, tiyakin na hindi ang clasp nito na maaaring gawa sa metal ang dumikit sa magnet.
5. Ceramic Test
Kapag ikinaskas mo ang legit gold sa unglazed ceramic o ceramic plates o tiles na wala pang madulas na coating, mag-iiwan ito ng gold streak o mantsa. Tandaan lang na maaaring ma-damage ang gold jewelry mo sa test na ito kaya mas applicable ito sa mga scrap gold, gold coins, o gold bars.
Paano ito gawin? Marahang ikaskas ang gold item sa unglazed ceramic tile. Kilatising mabuti ang kulay ng streak. Kung ang kulay na makikita ay makinang na gold color, legit ito. Kung gray o black naman ang streak, fake gold ito.
6. Skin Test
Ang gold, hindi lamang palamuti, Suki. Sa totoo lang, gold is a worth-it investment. Kaya naman, mahalaga talagang malaman mo kung legit ba ang gold jewelry mo. Isa sa mga paraan na madali mong malalaman kung fake ang gold mo ay sa pamamagitan ng skin test. Nag-re-react ang fake gold sa pawis at nag-iiwan ito ng greenish to black stain sa balat kapag na-expose sa pawis.
Paano ito gawin? Hugasang mabuti ang kamay at patuyuin ito. Ilagay sa palad ang alahas at isara ang palad sa loob ng limang minuto. Buksan ang kamay at tingnan kung nag-iwan ng greenish o blackish stain ang alahas sa kamay. Kung meron, ito ay fake; kung wala, ito ay legit.
7. Float Test
Pagdating sa density ng gold, ang ginto ay 19.3 times na mas mabigat kaysa sa tubig kaya lumulubog agad ito kapag inihulog sa tubig. Simple lang ang kakailanganin mo para sa float test, Suki — isang pitsel na puno ng tubig.
Paano ito gawin? Ihulog sa loob ng pitsel ang alahas na gustong i-test. Pagmasdan ang paglubog nito. Kung mabilis itong lumubog hanggang sa pinakailalim ng pitsel, legit ito. Kung mabagal naman, fake gold ito. Okay gawin ang test na ito pagkatapos isagawa ang magnet test.
8. Shower Test
Ang mga fake na alahas ay nagfe-fade o kinakalawang pa nga kapag nabasa o nababad sa tubig. Para malaman kung legit ang gold jewelry mo, gawin ang shower test. Napaka-simple lang nito, Suki, promise!
Paano ito gawin? Maligo habang suot ang iyong gold jewelry o gold chain. Makalipas ang ilang oras matapos kang maligo at napansin mong nag-tarnish ito, nag-fade, o nangalawang, fake ito.
9. Liquid Foundation Test
Kung make-up lover ka, Suki, magugustuhan mo ang test na ito dahil liquid foundation lang ang kakailanganin mo para magawa ang gold test na ito.
Paano ito gawin? Maglagay ng liquid foundation sa iyong noo, kamay, o braso. Kunin ang alahas na gusto mong i-test at marahang ikaskas ito sa balat na nilagyan mo ng liquid foundation. Kung may black streak o mantsa na maiiwan sa iyong balat, congratulations, Suki, legit ang gold jewelry mo!
Kung kailangan mo ng extrang pera at balak mong isangla o ibenta ang gold mo, Suki, ang unang information na dapat mo munang malaman ay kung legit ba ang gold jewelry na meron ka. Gamit ang 9 gold tests na ito, makakasiguro ka kung fake ba o hindi ang gold mo.
Mahalagang maging maingat sa pagkilatis ng ginto, Suki. Pwede mo ito gamitin kung mag-gold shopping ka o kaya’y bago ka mag-sangla ng gintong alahas. Kung gusto mo talagang makasiguro, huwag ka nang magtanong sa iba, Suki! Dumiretso na sa Palawan Pawnshop para sa lahat ng gold needs at queries mo dahil sila ay isa sa mga mapagkakatiwalaang appraiser ng ginto dito sa Pilipinas.