23 Negosyong Patok Para Sa Lahat Ng Budget Ngayong 2023

Blog

July 13, 2022

Suki, kumusta ka ngayon? Kumusta ang finances mo? Nag-iisip ka na ba ng mga karagdagang income sources?

Kung ganon, hindi ka nag-iisa. Sa katotohanan maraming Pilipino ang patuloy na nagplaplanong magsimula ng maliit na negosyo upang makadagdag sa araw-araw na panggastos. Lalo pa’t isa ‘yan sa mga hard lessons na natutunan natin sa pagdaan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ang pag-iisip at paghahanda sa mga pinansyal na pangangailangan ay napaka importante hindi lamang sa kasalukuyang realidad, pero upang matugunan din ang mga hinaharap na sitwasyon – lalo ang mga hindi inaasahang sakuna.

Sapat pa rin ba ang regular na trabaho para kumita ng pera?

Kung paghahanda ng mga pinansyal na pangangailangan lang din ang pinag-uusapan, may trabaho namang nasasandalan ang iba. Ngunit sa mga panahon ngayon, marami na rin ang napapa-isip kung sapat pa rin ba ang regular na trabaho para sustentuhan ang sarili.

Mahirap man magsalita nang patapos para sa malayong hinaharap, pero sa ngayon, mukhang ang sagot sa nakaraang nararanasan natin ay: hindi na. Hindi na sapat ang may regular na trabaho lamang.

Dahil sa pandemya, napakarami ang nawalan ng trabaho o kaya naman kaltas ang sweldo. Sa katotohanan, ayon sa PSA, halos 7.9 milyon na Pilipino ang nakaranas ng bawas sa sahod noong Pebrero 2021.

Ito ay dahil maikli ang working hours ng mga empleyado. At, dagdag pa ng Socioeconomic Planning Secretary na si Karl Kendrick Chua, hindi lahat ng trabaho na ito ay full-time dahil patuloy ang ECQ sa iba’t ibang lugar.

Real talk lang, Suki. Maaaring masabi na mabuti ng mayroong trabaho, kahit part-time, kaysa wala. Kaya nga lang, ang laking bawas sa kita nito para masustentuhan ang pang araw-araw na gastusin. At dahil kailangan ng dagdag kita, madami sa atin ang nagpupursiging makahanap ng magandang trabaho o makapagbukas ng patok na negosyo.

Panahon na ba para ikaw ay magkaroon ng negosyong pandagdag kita?

Bago pa man magkaroon ng pandemya, importante na ang pagkakaroon ng multiple income streams or maraming pinagkukunan ng income. Alam naman nating lahat na sobrang unpredictable ng buhay, Suki! At isa pa, sobrang daming benefits ng may pinag kukunan ka ng extra income gaya ng patok na negosyo.

Sa sariling negosyo, maliban sa may extra kita ka na nga, may extra time ka pa kasi hawak mo oras mo. Bakit? Eh syempre kasi ikaw ang boss! Sa negosyo, marami ka pang opportunities for financial growth – malay mo kapag sobrang pumatok ang negosyo mo eh yumaman ka pa, ‘di ba?

Nakadependa lang ‘yan sa kung gaano ka kawais sa mga pagkakataong binabato sa’yo ni tadhana. O pano, Suki? Ready ka na ba magtiwala sa tadhana at sa sarili mo? Pag-usapan natin kung paano ka makakapagtayo ng sarili mong negosyo.

Paano ako magtatayo ng patok na negosyo kung maliit lang ang puhunan ko?

Dahil sa mga pagsubok na patuloy na dinala ng pandemya, ang hirap maghanap ng magandang trabaho at mag-isip ng negosyong patok ngayon, Suki! Ang konti na nga ng available na trabaho, ang hirap pa magsimula ng negosyo. At paano ka nga rin naman magsisimula ng business mo kung ang meron ka lang ay 500 o 1,000 pesos?

Pero wag kang mag-alala, sagot ka namin! Tutulungan ka naming kumita sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga patok na negosyo. Maliit man o malaki ang puhunan, siguradong may negosyong swak sa budget mo. Dagdag pa diyan, bibigyan ka namin ng listahan ng mga simpleng gamit na kailangan mo para sa mga negosyong ito.

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Huwag mo na itong palampasin! Alamin ang iba’t ibang patok na negosyo na siguradong pasok for all budgets.

Chapter 1

Negosyong Patok Na Swak sa 1K Budget

Kayang-kaya mo ng magsimula ng negosyo for 1,000 pesos lang! Alamin kung ano ano ang mga magandang negosyo sa maliit na puhunan.

Suki, saan aabot ang 1,000 pesos mo? Pang-grocery o pangbili ng mga vitamins at gamot para sa buong pamilya, ‘di ba? Pero alam mo bang pwedeng pwede ka ring magsimula ng sarili mong negosyo sa ganyang kaliit na halaga?

Oo, bes! Tama ang nabasa mo. Sa halagang 1,000 pesos, may magandang negosyo ka na! Pwede ngang less than 1,000 pesos pa kung gusto mo. Sa article na ito, malalaman mo ang iba’t ibang negosyo na pasok sa 1,000 pesos or less na puhunan. Kasama rin sa article na ito ang mga kailangan mong gamit para ma-set up ang negosyo mo, kahit nasa bahay ka pa at naka-pajama ka lang.

Kaya tara na! Simulan na ang iyong bagong patok na negosyo sa halagang 1,000 pesos.

1. Online Writer

Panimulang puhunan = PhP699 to PhP999

Ayon sa survey ng Payoneer, isang kilalang digital finances company, kasama ang content writing at translation jobs sa Top 10 jobs para sa mga nais maging freelancers. Sa content writing, kakailanganin mong magsulat ng online content para sa iba’t-ibang mga kumpanya.

Maraming klase ng content na kailangang isulat para sa mga kumpanyang ito tulad na lang ng mga blog posts, taglines, social media posts, at marami pang iba. Kung may talento at hilig ka sa pagsusulat at may iba ka pang alam na lenggwahe, pwedeng pwede mo gamitin yan para sa mga translation gigs. Mapa-Chinese, Spanish, o Korean pa ang alam mong lenggwahe, pwedeng pwede yan sa patok na negosyong ito!

Maraming mga work-from-home at freelance writing jobs online. Mag-ingat lang sa paghahanap para iwas scam. Maghanap sa mga kilalang job hiring websites tulad ng LinkedIn, Jobstreet, Indeed, at Kalibrr. Simpleng search lang din muna sa Google para malaman kung nag-e-exist ang kumpanya, at para rin makapag-survey ka kung ano ang mga posibleng article na isusulat mo.

Pagdating naman sa mga kakailanganin mong gamit, naka-depende ito sa mga a-applyan mong kumpanya. Maaaring mag-require sila na mag-download ka ng apps nila sa laptop mo o smartphone para makapag-update ng mga article assignments.

Pagdating sa puhunan mo, mobile data or internet plans lang ang iyong gagastusin kung may laptop or PC ka na sa bahay. Kung ganon, eto ang kailangan mong budget.

Gamit Halaga ng investment
Mobile data o internet plan Php699 to PhP999
Total Php699 to PhP999

Paalala lang na para sa mobile data, ito yung for personal hotspot sa mismong smartphone mo. Hindi ito yung mobile data package na may kasamang maliit na gadget na nabibili sa mga mobile stores. Pero kung meron kang internet connection sa bahay, saktong sakto para sa negosyong patok na ito! Syempre, ang puhunan na ito ay base lang din sa meron ng laptop or PC sa bahay.

virtual assistant

2. Virtual Assistant

Panimulang puhunan = PhP699 to PhP999

Pasok ang customer support at project manager jobs sa top 10 freelance jobs for wannabe freelancers. Pag may customer support job ka, ikaw ang pwedeng tumulong sa mga customers kung may complaints sila or tanong tungkol sa mga services ng isang kumpanya. Kung project manager ka naman, maaaring ikaw ang magplano at mag-strategize para sa mga brand projects ng mga kumpanya. Marami pang iba’t ibang uri ng virtual assistants, kaya’t siguradong may negosyong patok kang mapipili na swak din sa skills mo.

Mag-simula ka sa pag-apply sa mga kilalang job hiring websites o kumpanya. Sundin ang kanilang mga ibibigay na requirements. Pero ang kadalasang mga kinakailangan para sa mga virtual assistant jobs ay laptop or PC, stable internet connection, video cam, at headset.

Pagdating sa puhunan mo, tulad lang ng mga gastusin ng content writers ang kakailanganin mo. Kung walang internet, ang mobile data or internet plan lang ang iyong gagastusin kung may laptop or PC ka na sa bahay. Kung ganon, eto ang kailangan mong budget:

Gamit Halaga ng investment
Mobile data o internet plan Php699 to PhP999
Total Php699 to PhP999

Muli, paalala lang na para sa mobile data, ito yung presyo for personal hotspot sa mismong smartphone mo. Hindi ito yung mobile data package na may kasamang maliit na gadget na nabibili sa mga mobile stores. Pero kung meron kang internet connection sa bahay, saktong sakto para sa negosyong patok na ito! Syempre, ang puhunan na ito ay base lang din sa meron ng laptop or PC sa bahay.

3. Online Tutor

Panimulang puhunan = PhP699 to PhP999

May mga lessons talaga tayong hindi maintindihan sa klase minsan. Kaya kinakailangan ng extra assistance from a tutor. Paano pa ngayong nasa pandemya, kung saan hirap humabol sa mga lessons ang mga ibang estudyante dahil sa work-from-home setup? Hindi naman pwedeng umasa lang sa Google, kasi hindi hawak ni Google ang lahat ng sagot. Kaya kung ikaw ay magaling sa Math, English, Science, at ibang pang subject, aba, gawin mo ng magandang negosyo yan.

Maaaring mag-post ka lang sa social media accounts mo na open ka for tutoring sa subject matter na alam mo para makapagsimula ng negosyo. Kailangan mo rin ng maayos na video cam, headset, at laptop para makapag-explain ka ng maayos ng mga lessons.

Kung gugustuhin mo namang mag-apply sa mga online tutoring services, sundin mo lang ang mga requirements na kanilang hihingin. Kalimitan ay video cam, laptop, at good internet connection ang hinihingi nila. Pero as always, mag-apply lang sa mga kilalang job search websites o kumpanya.

Pagdating sa puhunan mo, tulad lang ng mga gastusin ng content writers ang kakailanganin mo. Kung walang internet, ang mobile data or internet plan lang ang iyong gagastusin kung may laptop or PC ka na sa bahay. Kung ganon, eto ang kailangan mong budget:

Gamit Halaga ng investment
Mobile data o internet plan Php699 to PhP999
Total Php699 to PhP999

Muling paalala lamang, Suki! Para sa mobile data, ito yung for personal hotspot sa mismong smartphone mo. Hindi ito yung mobile data package na may kasamang maliit na gadget na nabibili sa mga stores. Pero kung meron kang internet connection sa bahay, saktong sakto para sa negosyong patok na ito! Syempre, ang puhunan na ito ay base lang din sa meron ng laptop or PC sa bahay.

4. Washable face masks

Panimulang puhunan = PhP335

Bilang parte ng new normal, kailangan magsuot ng face masks para sa kapakanan at kalusugan mo at ng mga tao sa paligid mo. Inulat ng CDC na maaaring gumawa ang mga tao ng homemade face masks na may 2 layers para epektibong panlaban sa pagkalat ng COVID-19. At kung marunong ka manahi, pwede mo itong gawing magandang negosyo kahit nasa bahay ka lang.

Kapag meron kang kumpleto na gamit pangtahi, ready ka ng gumawa ng mga face masks. Maaari mo itong ialok sa mga kaibigan, kamag-anak, at mga kakilala mo sa pamamagitan ng social media pages mo. Maaari ka ring gumawa ng mga online stores sa mga kilalang online selling platforms tulad ng Lazada o Shopee.

Kung mayroon kang mga lumang damit o hindi nagagamit na tela sa bahay, garter na lang at mga kagamitang pangtahi ang kailangan mong bilhin. Ang kabuuan ng magiging budget mo ay ang sumusunod.

Gamit Halaga ng investment
Garter PhP50
Sewing kit PhP250
Tela PhP35
Total PhP335

Tandaan na ang mga ito ay mga starting price lamang. Depende ito sa mapipili mong online store o kaya naman ay mapupuntahang store mo. Maging wais paghahanap ng mura at quality na mga gamit, Suki!

5. Ear Savers at iba pang knitted items

Panimulang puhunan = PhP335

Kailangan nating mag-suot ng face mask kapag tayo ay lalabas ng bahay. Pero sa mga taong araw-araw na lumalabas para magtrabaho o bumili ng mga kailangan ng pamilya nila, maaaring sumakit ang tenga nila dahil sa ilang oras na nakasabit ang earloop ng mga masks. Para iwas pamumula o sugat sa mga tenga dahil sa face masks, usong uso rin ngayon ang mga ear savers. Siguradong swak at magandang negosyo ito na pwedeng i-try ng mga marunong magtahi o mag-crochet.

Maliban sa mga ear savers, pwede ka ring gumawa ng iba’t ibang knitted items na siguradong papatok sa mga customers. Pwede kang gumawa ng mga knitted pouch, coasters, dishcloth, headband, at marami pang iba!

Kapag merong kang kumpletong gamit sa pag-kniknit, pwede ka ng gumawa ng mga sets ng ear savers at iba pang knitted items mo. Ibenta ang ear savers bilang set para mas sulit ang pagbebenta mo nito, lalo na pagdating sa shipping.

Maaari ka ring gumawa ng iyong online shop gamit ang iyong social media pages tulad ng Facebook at Instagram. Kung gusto mo rin, pwedeng sa Lazada or Shopee ka gumawa ng online shop para sa ear savers at iba pang knitted items mo.

Gamit Halaga ng investment
Yarn PhP35
Crochet hook Php45
Makulay na butones PhP60
Total PhP140

Muli, tandaan na ang mga ito ay mga starting price lamang. Depende ito sa mapipili mong online store o kaya naman ay mapupuntahang store mo. Maging wais paghahanap ng mura at quality na mga gamit, Suki!

O ‘di ba, beshie? Kayang kaya mo na magsimula ng negosyo with just 1,000 pesos. May sobra pa ngang pang-merienda! Pero kung mas afford mo ng mas mataas pa sa 1,000, basahin na ang mga negosyong patok for 1,500 to 3,000 budget sa next section ng article na ito.

Chapter 2

Negosyong Patok Na Sulit Sa P3K

Saan makakarating ang P3,000 mo? Kung gusto mong maparami ang perang iyan, i-invest mo sa patok na negosyo. Maliit man ang iyong puhunan, basta may sipag, tiyaga, at diskarte, mapapalaki mo iyan. Alamin ang mga pinakamabentang negosyo sa budget na P1,500 to P3,000.

Gaya nga ng nasabi, angat ang may extra income sa panahon ngayon. Makakasiguro kang laging may pagkukunan kapag may emergencies. Maaari mo rin itong magamit sa mga bagay na gusto o kinahihiligan mo. Kaya naman marami talaga ang humahanap ng mga negosyong patok na madaling simulan sa maliit na puhunan.

Sa previous na blog, natutunan natin na malayo na pala ang mararating ng kahit kaunting kapital sa dami ng mga na-discover nating negosyong puhunan ay 1,000 o maliit pa. Sa blog naman na ito, titingnan natin ang mga mabentang small business ideas na ang kailangan mo lamang ay 1,500 to 3,000 pesos. Heto ang mga ilang maaari mong subukan.

1. Scented Candles

Panimulang puhunan = PhP910 to PhP1,500

Katulad ng samalamig, maaari mong simulan ang magandang negosyong ito sa iyong bahay. Mura ang mga supplies at mura din ang mga paninda, kaya maraming maeengganyong bumili nito. Dagdag pa rito, pwede ka rin magbenta ng iba’t ibang produkto na makaka-attract ng mga mamimili.

Kung ito ay hobby mo na rin, mas mainam. Maaari mong ilabas ang iyong creativity and passion sa ganitong negosyong pambahay.

Maraming klase ng kandila ang maaari mong ibenta. Pumili ka ng isang product line na tingin mo ay papatok at makikilala ang iyong nagsisimulang negosyong pangkabuhayan. Pwede itong mga kandilang nakahulma sa custom shapes, tulad ng mga hayop o Christmas symbols o kaya naman mga kandilang may mga nakadikit na jewels – talagang imahinasyon mo na lang ang tanging limit, Suki!

custom candle business

Once ready na ang mga scented candles mo na ibebenta, gumawa ng dedicated page para sa online store mo! ‘Wag kalimutang kumuha ng malinaw na picture ng mga products mo at mag-set ng payment guidelines.

Gamit Halaga ng investment
Paraffin wax, 1kg PhP130 to PhP200
Wicks, 100 pieces for 15 cm PhP200
Lalagyan PhP200 - PhP550
Essential oils, 1 bote na 50ml PhP300 - PhP400
Coloring agents, 1 bote na 50ml PhP80 - PhP150
Total PhP910 to PhP1,500

2. Palamig o Samalamig

Panimulang puhunan = PhP1,625 to PhP1,725

Patok na negosyo ang palamig business dahil maaari mo itong magawa sa bahay. Hindi na kailangang magrenta ng espasyo. Kung mayroon ka ring ibang pinagkakaabalahan tulad ng online job, pwede mo itong isabay sa palamig business. Dagdag pa rito, madaling gawin ang produkto. Sundan mo lang ang ilang recipes online, at makaka-produce ka ng samalamig na patok sa madla. Tuwing tag-init, lalong mataas ang demand nito.

Dahil isa itong food business, ang sarap ng iyong produkto ang main reason bakit bibili at babalik sa’yo ang mga customer. Kaya naman, importante na makuha mo ang tamang lasa ng samalamig. Mag-explore ka ng iba’t ibang recipes online. Subukan mo ito isa-isa at i-discover kung ano ang pinakapatok sa panlasa ng mga mamimili.

Ang success nitong negosyong madaling pagkakitaan ay nakadepende sa location nito. Ang magandang pwesto ay iyong nadadaanan ng maraming tao. Maaari itong negosyo sa bahay, at ang mga kapitbahay ang iyong main customers. Pero pwede ka ring pumwesto sa mga mas matataong lugar, tulad sa terminal ng jeep o malapit sa construction sites. Para maabot ang mga ganitong lugar, kailangan mo ng movable cart. Magtanong-tanong sa mga kakilala kung maaari kang magpagawa.

Mas makakatipid ka negosyo mo kung magiging suki ka ng suppliers. Maaari ka nilang bigyan ng discounts sa bawat pagbili mo ng ingredients. Kaya naman, mabuting mag-explore ng choices, alamin kung kanino ang high-quality at affordable, at saka mag-settle dito. Dito ka makakasigurong magiging in-demand ang small business idea mo.

Gamit Halaga ng investment
Samalamig Ingredients (50 servings)
  • Asukal, 2kg
  • Gulaman, 10 pieces
  • Vanilla syrup, 1 bote
  • Yelo, 1 bag

  • PhP100
  • PhP50
  • PhP25
  • PhP50
Jar and cups (50 pcs) PhP200 to PhP300
Chest cooler PhP700
Cart (labor sa paggawa) PhP500
Total PhP1,625 to PhP1,725

3. Panaderyahan

Panimulang puhunan = PhP1,330 - PhP2,515

Isa sa mga patok na negosyo sa bahay ang pagbebenta ng baked goods. Ito ang isa sa mga naging popular na business para pangdagdag kita ngayong pandemic. Ang negosyong ito ay madalas nagsisimula sa pagiging hobbyist. Sa mga handaan tuwing birthdays o Pasko, ang cookies o brownies mo ang hinahanap ng mga loved ones at kaibigan. Kung patok ito sa kanila, maaari mo itong i-konsider na gawing business.

Magandang negosyo ito para sa’yo dahil bukod sa kikita ka sa activity na iyong nae-enjoy, may available equipment ka na, at di na kailangan pang bumili. Isang magandang negosyong pambahay rin ito. Hindi mo na kailangang umupa ng espasyo para magsimula. Sa aspeto naman ng demand, meron at merong mga customers na bibili. Dapat ay wais ka lang sa pag-ma-market ng iyong produkto.

Gamit Halaga ng investment
Common baking ingredients:
  • Flour, 1kg
  • Sugar, 1kg
  • Baking powder, 1kg
  • Dairy
    • Butter, 225g
    • Eggs, 1 tray
  • Flavorings/extracts, 130-ml bottle

  • PhP50 to PhP100
  • PhP60 to PhP160
  • PhP180 to PhP250

    • PhP50 to PhP 145
    • PhP200 to PhP300
  • PhP 40 to PhP60
Utilities PhP500 to PhP1,000 per month
Packaging per piece PhP300 to PhP500
Total PhP1,330 to PhP2,515

4. Handmade soap bars

Panimulang puhunan = PhP1,200 to PhP2,100

Gaya ng scented candles, magandang business ang pagbebenta ng handmade soap bars dahil negosyong pambahay rin ito. Flexible ang oras ng trabaho mo. Maaaring isabay sa iba pang side hustles. Marami ang interesadong bumili nito, at ready na magbayad para sa high-quality na produkto.

Kung beginner ka pa lang sa paggawa ng mga sabon, mas mainam na sumunod sa mga subok nang recipes para rin sa kaligtasan ng mga customers mo. Tandaan, may precise chemistry ang soapmaking, kaya dapat ay maingat sa paggawa nito. Isang negosyo tip na pwede mong subukan ay mag-try ng iba’t ibang mga recipes gamit ang iba’t ibang ingredients bago ipakilala ang iyong produkto.

Marami kang mga ingredients na kakailanganin every now and then. Mas mabuti kung mayroon kang supplier na makakapag-provide ng materials sa’yo nang walang delay. Habang nag-eeksperimento ka ng mga produkto, i-take note mo rin ang mga suppliers na pwede mong mapagkatiwalaan sa pagsisimula ng iyong negosyong pambahay.

Gamit Halaga ng investment
Coconut oil, 500ml PhP250 to PhP500
Olive oil, 500ml PhP200 to PhP300
Distilled water, 10 liters PhP170 to PhP200
100% pure lye, 1kg PhP100 to PhP200
Essential oils, 50ml PhP300 to PhP500
Coloring agents, 50ml PhP80 to PhP200
Packaging PhP100 to PhP200
Total PhP1,200 to PhP2,100

5. Meal preparation and delivery business

Panimulang puhunan = PhP1,550 to PhP3,000

Kung ikaw naman ay mahilig magluto, baka ito ang mas fitting na business idea sa’yo. Isa itong magandang negosyo kahit nasa bahay ka lang. Hindi mo na kailangang umalis dahil mismong kusina mo ang magiging iyong workplace.

Gaya ng mga nauna, hawak mo ang oras ng trabaho. At kung mahanap mo na ang panlasang gusto ng iyong market, tiyak na makaka-build ka ng patok na negosyo na maliit ang puhunan.

Mayroon kang mga kamag-anak o kaibigan na alam na ang galing mo sa pagluluto. Subukan mong sa kanila una magtinda. Dito mo matututunan kung ano ang mabenta. Plus, makakakuha ka ng honest feedback mula sa kanila para ma-improve ang negosyo kapag oras na para ilabas ito sa mas malawak na audience.

Gamit Halaga ng investment
Putahe PhP1,000 to PhP2,000
Utilities PhP500 to PhP900
Packaging PhP50 to PhP100
Total PhP1,550 to PhP3,000

Hindi kailangan ng malaking kapital para ma-achieve mo ang negosyante dreams mo. Kahit sa maliit na puhunan, maaari kang makapagsimula ng isang patok na negosyo. Over time, sa pagpapaikot mo ng pera, mas mapapalaki mo ang iyong inventory at operations. Dapat lang talaga ay maging discerning sa paggamit ng kapital — kahit maliit pa yan.

Chapter 3

Negosyong Patok Worth P5K

Posibleng makapagsimula ng patok na negosyo kahit pa maliit lang iyong puhunan. In fact, maraming mga successful na negosyante ang nagsimula nang ganito. Dahil sa tapang at tiyaga, napalago nila ang kanilang mga ventures at natupad ang mga pangarap. Kung balak mo rin magsimula sa maliit, basahin mo ang chapter na ito para malaman ang mga negosyong pasok sa P3,000 hanggang P5,000 na budget.

Kahit sa maliit na puhunan, posibleng makapagsimula ng isang magandang negosyo. Hindi bago ang mga success stories ng mga sari-sari store owners, samalamig vendors, at online sellers. Noon hanggang ngayon, ang kanilang mga kwento ay inspirasyon na kahit kakarampot ang kapital, kapag napatakbo ito nang maayos, magiging successful ang anumang negosyo.

Sa section na ito, pag-uusapan natin muli ang ilan pang mga promising small business ideas na maaari mong subukan. May full-time job ka man o nasa bahay lang, pwede mong simulan ang mga patok na negosyong ito sa kapital na P3,000 to P5,000.

Isama mo sa iyong options ang business ideas na ‘to:

1. Coffee bean retailer

Panimulang puhunan = PhP3,000 to PhP4,500

“Coffee is life!” Kung ito ang iyong mantra, ang sagot sa tanong mo na ‘ano ang magandang negosyo?” ay nandiyan na sa iyong passion. Ang business idea na ‘to ang swak para sa’yo, lalo na kung marami ka nang alam tungkol sa iba't ibang klase ng beans at kani-kanilang flavor, aroma, at roast. Kapag ginawa mo itong negosyo, mas lalong maaari kang maging expert sa industriya.

Walang alinlangan sa demand sa negosyong ito. Meron at merong mga coffee lovers diyan na willing magbayad para sa quality na produkto. Patok na negosyo sa bahay ang pagiging coffee bean retailer ay makakapag-boost ng iyong income.

coffee re-seseller business

Subukan muna ang beans ng isang potential supplier. Ang iba ay nagbibigay ng mga sample. Pero kung makakabisita ka sa kanila personally, mas mainam para makita mo kung paano nila hinahanda ang mga produkto. Sa ibang salita, simulan mo ang magandang negosyo sa pag-explore ng iba’t ibang klase ng beans.

Gamit Halaga ng investment
Tatlong klase ng coffee beans pang-umpisa, 1kg each PhP3,000 to PhP4,500
Total PhP3,000 to PhP4,500

2. Non-professional photo and video editing business

Panimulang puhunan = PhP2,000 to 4,500

Kung extrang part-time naman ang hanap mo Suki, magandang negosyo sa bahay lang ang pag-e-edit ng photos at videos. Maraming mga company here and abroad ang naghahanap ng freelance editors at graphic designers para sa kanilang mga companies. At dahil nauso na rin ang vlogging, maraming vloggers ang nangangailangan ng assistance ng editors sa pag-papaganda ng kanilang mga video content.

Kung maalam ka naman sa pag-e-edit ng photos at videos, talagang mapagkakakitaan mo ang business na ito. Kung meron ka nang sariling laptop, ito nalang ang ibang mga pagkakagastusan mo para maging operational ang online negosyo mo.

Gamit Halaga ng investment
Internet connection kada buwan PhP1,500
Photo and video editing applications subscriptions per month PhP2,000
Utilities per month PhP500 to PhP1,000
Total PhP2,000 to 4,500

3. Beauty products reselling

Panimulang puhunan = PhP3,000 to PhP5,000

Isa sa mga negosyong mabenta ngayon ay ang beauty business. Dala na rin ng social media, marami ang gustong magpaganda, kuminis ang balat o magkaroon ng same shade ng lipstick tulad ng celebrities na nakikita nila sa kanilang Facebook timelines. Sa re-selling ng beauty products, masusulit mo ang negosyong maliit ang puhunan.

Magandang negosyo ito dahil flexible ang oras ng trabaho. Pwede mong isabay sa online jobs na meron ka. Isa pa, may variety ito ng produkto na makaka-attract ng iba’t ibang customers. Dahil dito, ang beauty products reselling ay sure na negosyong madaling pagkakitaan.

Gamit Halaga ng investment
A kit of products na pwedeng i-resell online PhP3,000 to PhP5,000
Total PhP3,000 to PhP5,000

Maraming mga business opportunities are worth it masubukan para sa dagdag kita. Para makasigurong magiging successful ang venture mo, importante lang na mayroon kang passion, know-how, at syempre, sapat na kapital. Dito, napatunayan natin na marami nang promising na negosyo kahit sa maliit lang na puhunan.

Chapter 4

Negosyong Patok na Swak sa 10K na Puhunan

Kung may naipon ka nang PhP 10,000 Suki, maaari mo na itong ipang-puhunan sa isang patok na negosyo na ito na pwede mong gawin sa bahay mismo. Ang iba rin dito ay mga side line na trabahong tiyak na enjoy gawin. Kaya naman, kung excited ka nang malaman ang mga negosyong magpapalago sa PhP 10,000 to PhP 15,000 na puhunan mo, basahin na ito.

Sa halagang PhP5,000 to PhP10,000, hindi ka limitado sa pag-invest sa mutual funds o stocks, pwede ka ring mag-start ng iyong negosyo sa bahay. Pero yamang hindi biro ang pag-iipon ng PhP5,000, kaya dapat matiyak mong worth it, at mapapalaki mo ang puhunan na ilalabas mo para magtayo ng business. Importante rito ang pagre-research tungkol sa pagsisimula ng negosyo.

Kung nao-overwhelm ka sa mga business na pwede mong pasukin o kaya naman ay wala kang idea kung anong business ang dapat mong i-consider, ito ang ilang negosyong patok na pwede mong subukan.

1. Mini almusal and merienda food stall sa labas ng bahay

Panimulang puhunan = PhP5,652

Pagkain ang kadalasang patok na negosyong pwede mong subukan sa maliit na capital. Mura na, marami pa ang tumatangkilik nito. Ang magandang simula ay ang pagbebenta ng almusal at merienda.

Kung na e-enjoy ninyo ang pagkain at pagluto ng lugaw, champorado, spaghetti, pancit, palabok, lomi, at sopas, now is the time to share it to your neighbors, Suki. Masarap, mainit, at nakakabusog ang mga ito lalo na sa umaga kaya naman talagang papatok ito sa mga kapitbahay mong always on the go. Syempre hindi pa rin dyan nagtatapos ang options mo, Suki.

After ng almusal, merienda naman ang pwede mong ibenta sa kanila tulad ng banana cue, palitaw, karioka, lumpiang toge, siomai, at syempre ang paborito ng lahat, ang lumpiang shanghai. Kung may ibang merienda pa kayong naiisip, aba syempre pwede mo ring ibenta ito para may variation din ang paninda mo.

Kaya ilabas na ang lamesa sa tapat ng bahay mo Suki at idisplay na ang mga paninda mong agahan at almusal. Kung plano mong i-pursue ang negosyong ito, ang kailangan mo lang ay ang sumusunod.

Gamit Halaga ng investment
LPG tank PhP800
Medium na plastic labo, 1 pack of 100 pieces PhP12
Medium na supot, 1 pack of 100 pieces PhP40
Paper Meal box, 50 pieces PhP300
Almusal ingredients PhP2,500
Merienda ingredients PhP2,000
Total PhP5,652

2. Indoor plant and herbs business

Kung naging plantito o plantita ka ng 2020, malamang ay dumami na rin ang iyong mga alagang indoor plants at herbs. Kaya naman magandang negosyo kahit nasa bahay lang ang pagbebenta ng bahagi ng iyong indoor jungle sa mga kapwa plantito at plantita mo.

Ang unang mga pwede mong ibenta Suki ay ang mga arne-plant mo nang halaman mula sa iyong existing indoor plant garden and herbs. Para maging mas appealing ang iyong mga halaman sa mga buyers mo, ito pa ang ilang mga bagay na kakailanganin mo:

Gamit Halaga ng investment
Ceramic plant pots with design PhP3,000
Pampataba ng lupa, 1 sako PhP2,500
Lupa, 1 sako PhP90
Fertilizer, 1 sako PhP600
Potting mix, 1 sako PhP80
Total PhP6,270

3. Dog grooming neighborhood service

Panimulang puhunan = PhP9,750

Ikaw ba ay may mga alagang aso, Suki? Kung natutunan mong mag-groom ng pets mo noong 2020 quarantine, bakit hindi mo gawin itong part-time na trabaho sa weekends? For sure marami kang mga kaibigan, kapitbahay, at kamag-anak na may mga alagang aso na need ng regular grooming kaya matutuwa sila sa serbisyong mailalaan mo para sa kanila at sa mga alaga nila.

May kinalaman sa paggupit sa mga hair ng mga dogs, pwede ka naman magsimula sa basic na natutunan mo na. Pagkatapos, maraming mga videos online ang pwede ring makatulong sa iyo para matuto pa ng ibang basic grooming cuts.

Kung dog grooming ang patok na negosyong gusto mong mapalago, ito ang mga kakailanganin mo.

Gamit Halaga ng investment
Dog shampoo, 1 gallon PhP200
Dog conditioner, 1 gallon PhP200
Dog toothbrush and toothpaste, 1 set PhP500
Dog ear cleaning solution, 1 bote PhP400
Dog perfume spray, 1 bote Ph250
Dog grooming tools, 1 set PhP1,200
Pet hair dryer, 1 set PhP5000
Utilities kada buwan PhP2,000
Total PhP9,750

4. Online ukay-ukay

Panimulang puhunan = PhP9,800

Ang isa pang patok na negosyong pwede mong simulan kahit sa iyong bahay ay ang pagbebenta ng ukay-ukay. Hindi ka lang kikita dito, makakatulong ka pa sa kalikasan! Para mas makatipid ka Suki sa renta, magandang option ang pagbebenta nito sa online. Kung nahihiya ka pa sa live selling, pwede kang gumawa ng social media account para sa iyong online shop at dito mo i-post ang mga ibebenta mong ukay items. Ang mga followers and friends mo ang siyang mag-uunahan sa pag-mine, grab, at steal sa items mo.

Bagaman damit ang pangunahing binebenta na ukay-ukay item, marami pang ibang items ang pwede mong ibenta tulad ng mga preloved bed sheets, comforters, scarves, towels, at bags. Kailangan mo lang talagang i-research kung ano ba ang tangkilikin ng target market mo. Maganda rin kung makahanap ka ng ukay-ukay supplier na talagang mapagkakatiwalaan.

Kung plano mong i-pursue ang negosyong ito, narito ang pupuntahan ng capital mo.

Gamit Halaga ng investment
Ukay-ukay dress, half or full bale PhP3,800
Ukay-ukay bag bale - PhP4,000 PhP4,000
Ukay-ukay scarf bale - PhP2,000 PhP2,000
Total PhP9,800

Tip: Pwede kang mag combine ng ibebentang items na magkakasya sa iyong PhP 5,000 to PhP 10,000 na puhunan.

Hindi mo kailangang malungkot Suki kung PhP5,000 to PhP 10,000 lang sa ngayon ang kaya mong ilaan bilang puhunan sa mga negosyong naisip mo. Ang totoo, kung marunong kang mag-budget bilang bagong negosyante, magiging madali para sa iyo na pagkasyahin ang puhunan mo at mapalago ito in no time para mabawi ang pinuhunan mong pera at sipag.

Kung PhP 10,000 to PhP 15,000 naman ang naipon mong pang negosyo, basahin ang susunod na chapter para malaman ang mga negosyong pwede mong subukan sa capital na ito.

Chapter 5

Negosyong Patok Para Sa 11K-15K Na Puhunan

Kung may naipon ka nang PhP 10,000 Suki, maaari mo na itong ipang-puhunan sa isang patok na negosyo na pwede mong gawin sa bahay mismo kaya makakatipid ka kaysa mag renta ng isang commercial space. Ang iba rin dito ay mga side line na trabahong tiyak na enjoy gawin. Kaya naman, kung excited ka nang malaman ang mga negosyong magpapalago sa PhP 10,000 to PhP 15,000 na puhunan mo, basahin na ito.

Kung ang ultimate goal mo sa pag-iipon ay ang pagsisimula ng isang patok na negosyo, wais na desisyon iyan, Suki. At matutuwa ka dahil ang article na ito ay para sa iyo. Kung may naipon ka ng Php 10,000 malamang iniisip mo ano nga ba ang magadang negosyo mo? To make things easier for you, Suki. Ito ang ilang patok na negosyong pwede mong subukan kung may puhunan kang PhP 10,000 to PhP 15,000:

1. Palawan Express Agent

Panimulang puhunan = PhP10,000+ (Packages vary)

Ang daming benefits of being a Palawan Express Agent! Ilan sa mga ito ay in-demand ang service for local and OFW transactions, pang-masa ang service fees na nagsisimula sa Php 2.00 lamang, at trusted brand with 36 years of service! May patok na negosyo ka na, mapagkakatiwalaang lehitimo at safe pa!

Kung ready ka nang dumugin ng customers ang iyong tindahan dahil sa Palawan Express Pera Padala, mag-apply ka na bilang Palawan Express Agent. Hindi mo na kailangan ng maraming requirements. I-check lang ang lahat ng requirements sa Domestic Remittance Partnership page, i-submit at sure kang tutulungan ng aming friendly associates. Huwag mahiyang mag-message sa website o Facebook page ng Palawan Pawnshop para sa mga dagdag na katanungan.

2. Tailor and alteration services

Panimulang puhunan = PhP 11,000

clothes repair business

If you have an eye for fashion Suki at meron kang sewing machine sa bahay at syempre marunong kang manahi kahit basic lang, ba’t di mo subukan ang tailor at alteration services?

Magandang negosyo ito dahil hindi ka lang makakatulong sa kapwa mo Suki, mabibigyan mo pa ng second chance ang mga damit nilang nangangailangan ng repair. Of course, hindi lang mga damit ang pwede mong tahiin Suki. Pwede ka ring magtahi ng bedsheet, punda, at mga kurtina na talagang kailangan sa bahay. Sa mga retasong tela, pwede ka ring makabuo ng mga basahan na pwede niyong magamit sa bahay at ibenta sa iba.

Totoo, tulad sa ibang trabaho at business, kailangan ng sipag at tiyaga dito pero kung talagang hilig mo ang pananahi Suki, talagang mag-eenjoy ka kahit na mapagod ka pa. Kung ito ang napipili mong negosyo, ito ang mga pagkakagastusan mo.

Gamit Halaga ng investment
Tela, 2 rolls PhP6,000
Iba’t-ibang sinulid PhP500
Maramihang set ng Beads, lace, zipper, butones, atbp. PhP3,500
Sewing machine maintenance PhP500
Iba pang mga tool PhP500
Total PhP 11,000

3. Piso Net WiFi

Panimulang puhunan = PhP11,600

Now more than ever, napakahalaga ng internet. Ginagamit ito hindi lang para makapag check ng updates sa mga social media accounts kundi para na rin makapag trabaho, makapag-aral, at makapagbenta online. Kaya naman, kung malakas ang internet connection ‘nyo sa bahay, bakit hindi mo ito pagkakitaan? Sa ganong paraan, hindi ka lang kumita, nakatulong ka pa sa iba na hindi kayang magpakabit ng internet o kulang ang data.

Kung ito ang naisip mong magandang i-negosyo sa bahay niyo Suki, ito ang mga kakailanganin mo.

Gamit Halaga ng investment
Fibr Internet connection (75mbps) PhP2,500
Piso WiFi vendo machine PhP8,500
Paper Meal box, 50 pieces PhP300
Thermal paper rolls PhP500
Utilities kada buwan PhP500
Total PhP11,600

4. Mini sari-sari store sa bahay

Panimulang puhunan = PhP12,700

Kung patok na negosyo sa bahay lang din naman ang usapan, syempre talagang hindi mawawala diyan ang sari-sari store. Yamang binebenta dito ang basic needs ng mga tao, makakaasa kang talagang papatok ito sa lugar ninyo!

Pero para mapagkasya mo Suki ang iyong PhP 10,000 to PhP 15,000 puhunan, magandang pag-isipan Suki kung ano ang mga items na gusto mong ibenta sa sari-sari store mo. Maganda rin kung mamimili ka ng wholesale sa mga direct supplier para mas maka mura ka. Kung nakatira kayo sa lugar na medyo malayo sa palengke, magandang i-consider mo rin ang pagbebenta ng mga items tulad ng gulay, prutas, at bigas.

Dahil sari-sari ang iyong magiging paninda, diskarte talaga sa pagba-budget ang kailangan mo Suki para ma-maximize mo ang puhunan mo. Kung ito ang small business na gusto mong i-pursue, ito ang mga kakailanganin mo.

Gamit Halaga ng investment
Mga pangbenta sa sari-sari store PhP10,000
Business registration PhP2,000
Kuryente kada buwan PhP700
Total PhP12,700

5. Start-up hair and makeup artistry (HMUA)

Panimulang puhunan = PhP14,900

make up artist

Kung mahilig kang mag-ayos ng sarili mo at ng iba Suki, maganda ring subukan ang pagiging isang hair and makeup artist lalo na kapag may mga special events tulad ng wedding, debut, prom, graduation, at iba pa. The good thing is, kahit wala kang sariling salon, pwede mong simulan ang trabaho na ito either sa bahay mo o sa location na convenient para sa client mo.

Sa business na ito Suki, tandaan na hindi naman high-end make-up brands agad ang kailangan mong bilhin. Pwede kang magsimula sa mga local at affordable brands na nasubukan mo nang effective sa iyo. Mahalaga rin ang mga equipment tulad ng brushes at mixing palette. Kung may mga hair iron at blower ka na sa bahay, mas mabuti ito dahil hindi mo na kailangan pang bumili pa kaya mas makakatipid ka.

Kung gusto mong i-try ang hair and makeup business, ito ang mga kailangan mong ihanda.

Gamit Halaga ng investment
Basic hair and makeup products (primer, eyeshadow, eyebrow pencil, foundation, powder, atbp.) PhP7,000
Basic hair and makeup tools and equipment (brush, mixing palette, eyelash extensions and curler, tissue, atbp.) PhP5,000
Ring light PhP1,500
Personal protective equipment PhP700
Cleaning and disinfection tools PhP700
Total PhP14,900

6. Mini kambingan

Panimulang puhunan = PhP15,000

kambingan business

Kung patok na negosyo sa probinsya ang hanap mo Suki, ideal ang pag-aalaga ng mga kambing. Mura lang kasi ang kambing at madaling alagaan. Mabilis din silang dumami at maging ang gatas nila ay pwedeng pagkakitaan kaya ilang buwan lang, mababawi mo na ang iyong puhunan. Magandang business ito Suki lalo na kung may maluwag kayong lupa sa probinsiya kung saan makakalibot ang mga alaga mong kambing at makakakain ng damo.

Kung sa tingin mo ito ang perfect na negosyong patok para sa’yo at sa lugar ‘nyo, ito ang mga pagkakagastusan mo.

Gamit Halaga ng investment
Kambing na pwede nang mahiwalay sa inay PhP2,500 x 3 = PhP7,500
Karagdagang pagkaing halaman o feeds PhP2,500
Kulungan na may bubong PhP1,500
Vaccines at vitamins PhP3,500
Total PhP15,000

Sana makatulong sa iyo ang mga negosyo ideas na ito. Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng extrang pagkakakitaan tulad ng patok na negosyo ay makakatulong sa iyo at sa pamilya mo upang mapanatiling financially secure kayo. Tumataas ang mga bilihin at bills ngayon Suki kaya praktikal lang na dagdagan ang mga pinagkakakitaan mo sa ngayon bukod pa sa trabaho mo nang sa gayon ay maging financially secured ka at ang pamilya mo. Maligayang pagnenegosyo sa iyo, Suki!

Chapter 6

Negosyong Patok Na Pwedeng Pagkakitaan

Tunay na hindi madaling kumita ng pera. Pero kalma lang! Mag-explore at mag-try ng iba’t ibang patok na negosyo na saswak sa kahit anong budget mo, maliit man o malaki ito.

Tunay na napaka-unpredictable talaga ng buhay. Sabi nga, minsan nasa baba ka at minsan nasa taas ka. Kaya importante talagang may back-up plan. At pagdating sa mga finances, malaking tulong ang mga magkaroon ng sariling negosyo o extra income.

Kahit sa maliit na puhunan, maaari tayong magkaroon ng magandang negosyo na mapaghuhugutan ng pera kung sakaling hindi na maging sapat ang ipon o sahod natin sa pang-araw-araw na gastusin.

Dahil sa patuloy ang pagdami ng mga nawawalan ng trabaho at nakakaltasan ng sahod, sa unang tingin naiisip mong limitado ang resources na mayroon para makapag-invest sa ibang sources of income. Pero sa kaunting diskarte, maaari pa rin namang mapalago ang sweldo natin, kahit gaanong kaliit.

Ayon sa Global Workplace Analytics, maaaring 25-30 percent ng mga empleyado ay patuloy na magwowork-from-home hanggang sa katapusan ng 2021. Kaya naman, kunin mo na ang pagkakataon para lubusin ang setup na ito!

Subukan mong mag negosyong pambahay o kaya ay maghanap ng mga part-time, freelance, or home-based jobs. Ligtas na, dagdag kita pa para sa mga taong nawalan ng trabaho o nabawasan ng sahod. Huwag din kakalimutan ang tamang time and stress management kung marami kang part-time jobs na kukunin, para naman may quality pa rin ang trabahong magagawa mo at may pahinga ka rin.

Pagdating naman sa mga maliliit na negosyo, maaari ding maging malaki ang benepisyo ng digital or work-from-home setup. Ayon sa 2020 Asia Pacific Small and Medium Business Digital Maturity Study, mas makakakuha ng malaking kita ang mga small and medium enterprises kung ididigitalize nila ang kanilang mga business.

Kaya mukha mang mahirap magsimula ng negosyong madaling pagkakitaan, kakayanin mo yan. Lalo na pag pinagsama mo ang sipag at tiyaga mo, walang imposible para sayo. Kahit tingin man natin na limitado lang ang ating options o walang wala na tayo at hindi na natin alam kung saan tayo magsisimula, mayroon pa rin tayong mahahanap na paraan para makabangon.

Habang may buhay, may pag-asa, Suki!

Maliban sa mga patok na negosyo, alamin ang iba’t ibang tips para sa negosyo at pag-mamanage ng pera dito lang sa Palawan Pawnshop blog.